Isang ordinansa ang ipinasa ng Pasay City Government na nagbabawal sa pagbebenta ng alak at ng iba pang mga nakalalasing na inumin ng pasado alas-8:00 ng gabi.
Layon nito na matigil ang pagkalat ng virus sa nasabing lungsod.
Sa panahon naman ng window hours, mga residente lamang ng lungsod ang pinahihintulutan na bumili ng alak at kailangan nilang magpakita ng katibayan na sila ay residente ng lungsod.
Ang mga restaurant at hotel naman ay pinahihintulutan na mag-serve ng alak sa pagitan ng alas-8:00 ng umaga hanggang bago mag-alas-8:00 ng gabi.
Facebook Comments