Pagbebenta ng ari-arian ng gobyerno, mas isinusulong ng minorya kumpara sa dagdag na buwis para sa paglaban sa COVID-19

Tutol si House Minority Leader Benny Abante sa pagpapanukala ng dagdag na ipapataw na buwis para makatugon sa epekto ng COVID-19.

Ayon kay Abante, mas pabor siya kung tototohanin ng gobyerno ang pagbebenta na lamang ng ari-arian para magdagdagan ang pondo sa paglaban sa coronavirus.

Tiniyak ng minority leader na hindi niya susuportahan ang anumang tax measures na ihahain sa Kamara.


Iminungkahi pa ni Abante na kung talagang aabot sa puntong ito, dapat maging prayoridad ang mga Pilipinong kumpanya bago ang mga dayuhan.

Pinatitiyak din nito sa Philippine Competition Commission na ang pagbebenta sa mga ari-ariang ito ay hindi magreresulta sa monopolyo o kartel.

Mababatid na una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ipagbibili niya ang ilan sa mga lupa ng gobyerno kapag naubos ang pondo sa pagtugon sa COVID-19.

Facebook Comments