Pagbebenta ng assets ng gobyerno, hindi mangyayari – Sotto

Hindi aabot sa puntong ibebenta ng gobyerno ang mga ari-arian nito sa harap ng krisis sa COVID-19.

Pahayag ito ni Senate President Vicente Sotto III matapos sabihin ni Pangulong Duterte na ikokonsidera niya ang pagbebenta sa assets ng gobyerno sakaling maubos na ang pondo ng bansa para sa paglaban sa virus.

Ayon kay Sotto, sa tingin niya ay hindi ito gagawin ng Pangulo lalo’t may ginagawa namang hakbang ang Kongreso para tugunan ang problema.


Aniya, maaaring sinabi lang ito ng Pangulo para magbigay ng katiyakan sa publiko na gagawin nito ang lahat para mapondohan ang kalusugan at pagbangon ng bansa mula sa krisis.

Facebook Comments