Pagbebenta ng assorted products online, malaking tulong sa isang single mom ngayong pandemya

Imbes na magpost ng kung ano-ano sa online, ginamit ng isang single mom mula Real, Quezon ang social media na Facebook upang magkaroon ng pagkakakitaan nitong panahon ng pandemya.

Sa Business As Usual segment ng Usapang Trabaho program ng DZXL-Radyo Trabaho, ikinuwento ng assorted product seller na si Emma Prudente na ang pagbebenta ng ibat-ibang produkto sa online ang nakatulong sa kanya para mairaos ang kanilang pangangailangan lalo na noong lockdown.

Dahil job order ang base ng kanyang trabaho bilang nursing assistant, sinubok aniyang ibenta ang nahuling isda ng kanyang kapatid.


Bagamat mahirap, aminado si Emma na nawawala lahat ng kanyang pagod kapag iniisip na para ito sa kanyang nag-iisang anak.

Facebook Comments