Umalma ang ilang pangasinense sa naging ulat ni PBBM sa kanyang SONA, kahapon, kung saan inilahad nito ang kakayahan umano ng pamahalaan na magbenta ng bente pesos na bigas nang hindi nalulugi ang mga magsasaka.
Ayon kay Fidel Nepal ng Malasiqui, paano raw malulugi ang mga magsasaka kung sa piling lugar lang naman umano ito napatupad.
Dagdag pa ng ilang netizens, bingi raw umano ang pangulo kaya hindi nito nakikita ang sitwasyon ng mga magsasaka.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa isang magsasaka na si Juanito Español, ang pagbebenta ng bente pesos na bigas ang naging sangkalan ng paghihirap nila dahil sa mababang kuha sa kanila ng palay.
Ibinida kahapon ni PBBM ang mga nagawa nito at plano sa sektor ng agrikultura lalo’t mayroon na lamang siyang nalalabing tatlong taon sa kanyang termino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









