Pagbebenta ng COVID-19 vaccines, kinondena ni Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang COVID-19 vaccines na ibinibigay ng gobyerno ay libre.

Ito ang pahayag ng pangulo sa harap ng mga ulat na may mga nagbebenta ng bakuna kasabay ng isinasagawang COVID-19 immunization program ng pamahalaan.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na papanagutin niya ang sinumang mapapatunayang nagbebenta ng bakuna.


Nababahala siya sa nakakaalarmang ilegal na bentahan ng COVID-19 vaccines.

Inatasan na ng pangulo ang mga awtoridad na mag-imbestigas at usigin ang mga nasa likod ng ilegal na aktibidad.

Nabatid na nasa 12 milyong doses ng COVID-19 ang naiturok sa bansa.

Facebook Comments