Nanawagan ang Department of Health (DOH) na ipagbawal ang pagbebenta ng Electronic Cigarettes sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, may panganib na maidudulot ito sa mga gumagamit lalo na sa mga nakakalanghap ng usok nito.
Susuportahan nila ang anumang panukalang batas na nagpapatupad ng ban sa E-Cigarettes.
Aniya, ang panukala ay binubuo na ng isang Senador na hindi niya pinangalanan.
Matatandaang kumilos na ang Food and Drug Administration (FDA) para sa regulation ng manufacture, distribution at pag-gamit ng E-Cigarettes pero ipinatigil ito ng Korte sa Pasig at Maynila kasunod ng petisyon ng dalawang kumpanya.
Facebook Comments