Aklan – Mahigpit nang ipapatupad ang pagbabawal at pagbebenta ng mga bottled drinks sa buong selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival.
Ito ay matapos aprubahan ang ordinansa kung saan hindi na pwede ang lahat ng bottled drinks sa itinalagang festival zone at parade route.
Nabatid kasi na karamhan sa mga insidente na nagaganap sa parada ay mga pambabato ng bote lalo na’t kapag nakainom na ng alak.
Siniguro naman ng lokal na pamahalaan na mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa nasabing okasyon.
Facebook Comments