Hindi na makakabili simula ngayong araw ng bote ng tubig na gawa sa plastik sa San Francisco International Airport.
Partikular na rito ang purified water, carbonated o sparkling water mineral water at electrolyte-enhanced water
Ang mga nais na makainom ng tubig ay kailangan nang uminom sa water fountain.
Pwede ring magdala ng kanilang reusable bottle o bumili ng glass o aluminum water bottle na aprubado ng paliparan.
Idinagdag nila ang plastic water bottles sa listahan ng ipinagbabawal sa paliparan bilang bahagi ng effort na maging kauna-unahang zero-waste airport sa mundo sa taong 2021.
Facebook Comments