Pagbebenta ng NFA rice sa pamilihan, binawasan na

Binawasan na ng National Food Authority ang mga ibinebenta nilang NFA rice sa mga pamilihan.

Sabi ni NFA OIC Administrator Tomas Escarez, nasa sampung porsyento na lamang ang tinatawag na market participation ng NFA rice sa merkado.

Ibig sabihin aniya, sa tinatayang 640,000 sako ng bigas na kabuuang kino-konsumo ng bansa araw-araw nasa 64,000 rito ang NFA rice.


Dagdag pa ni Escarez, sa pamamagitan nito ay mapapagkasya pa hanggang Agosto ang natitirang 11.5 milyong sako ng bigas sa imbentaryo ng NFA.

Mula ito sa kabuuang mahigit 14 na milyong sako ng bigas na inangkat ng bansa ngayong taon.

Ang mga ito ang siyang ibinebenta ng NFA sa halagang P27 kada kilo.

Facebook Comments