Target ng Department of Agriculture (DA) na gawing pangmatagalan ang pagbibenta ng P29 kada kilo ng bigas.
Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, na mas makikita nila ang takbo ng supply chain mula bukid hanggang retail kung ibebenta ito sa matagal na panahon at hindi hanggang dalawang buwan lamang.
Sa ganitong paraan aniya ay mas matutukoy kung ano ang problema at kung ano ang pinaka-epektibong paraan para mapababa ang presyo ng bigas.
Aabot din aniya ng isang taon para makita talaga ang supply chain, mula sa pagtanim ng buto o binhi, paggamit ng abono hanggang ito anihin, saan ito iiimbak hanggang maibagsak sa retail.
Sa kasalukuyan, mabibili lamang ang P29 kada kilo ng bigas sa 13 nilang kadiwa outlets, pero limitado lang ito sa tig-10 kilo para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens, PWD, at single parent.