Pagbebenta ng yosi malapit sa mga school, pinagbabawal – MMDA

Magsasagawa ng inspeksyon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga tindahang malapit sa schools para siguraduhing walang nagbebenta ng sigarilyo at e-cigarette.

Nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order No. 48 na ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo o ano mang uri ng advertising materials sa mga tindahang nasa 100 perimeter zone ng mga paaralan.

Bawal din maski ang mga larawan ng sigarilyo sa store signs, sa ilalim ng Tobacco Act of 2003.


Magsusumite naman ng rekomendasyon ang MMDA sa iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) pagkatapos ng inspeksyon dahil umano nasa LGU ang desisyon ng pagpapabaklas ng tindahan o pagpapaalis sa mga tindera.

Facebook Comments