Pagbebenta sa mga pananim ng mga magsasaka, gagawin nang online ayon sa DAR

Plano ng Department of Agrarian Reform (DAR) na gawing online ang pagbebenta ng mga ani ng mga Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs).

Nagsasagawa ngayon ang DAR ng isang espesyal na marketing strategy na maglalarawan online ng mga mahuhusay na produkto ng iba’t ibang ARBOs.

Sa pamamagitan ng online, mabibigyan ng ideya ang publiko, lalo na sa mga institutional buyers tungkol sa mga pananim ng mga magsasaka at kung kailan aanihin ang mga ito nang sa gayon ay makapag-order na sila nang maramihan bago pa mag-anihan.


Paliwanag ni DAR Secretary Conrado Estrella III, palalawakin nila nila ang kasalukuyang DAR database upang maisama ang impormasyon ukol sa estado ng mga lupang pansakahan na naibahagi na sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Itinalaga ni Estrella si Undersecretary for Finance Management and Administration Jeffrey Galan upang pamunuan ang nasabing proyekto.

Facebook Comments