Pagbenta at paggamit ng e-cigarette at vape, hihigpitan na

Manila, Philippines – Nakatakdang maglabas ng Administrative Order (AO) ang Department of Health (DOH) sa susunod na buwan para higpitan ang pagbebenta at paggamit ng e-cigarette at vape.

Paliwanag ni DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, wala pa naman kasing patunay na nakatutulong ang e-cigarette at vape para tumigil na sa paninigarilyo ang isang tao.

Sabi pa ni Domingo, dahil may kemikal na inilalagay sa e-cigarette at vape, may peligro pa rin ito sa kalusugan.


Maliban sa paghihigpit, irerekomenda rin aniya nila sa Kongreso na isama e-cigarette at vape sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax Law.

Dagdag pa ni Domingo, imumungkahi rin nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang e-cigarette at vapes sa Executive Order 26 na naghihigpit ng paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Facebook Comments