HINDI diretsahang inamin ni Pasig Mayor-Elect Vico Sotto ang naging pahayag noon ng kanyang ama, ang komedyanteng si Vic Sotto, na ipinagbawal ang pagbebenta ng biko sa lungsod ng Pasig noong araw ng kampanya.
Ayon sa nakababatang Sotto, wala siyang alam kung ipinagbawal nga o hindi ang pagbebenta ng nasabing kakanin bago mag-eleksyon.
Sa kanyang Twitter account sinabi ni Sotto na may lumapit sa kanyang tindera habang nangangampanya siya sa may palengke at nag-alok na pagkyawin ang paninda nitong biko.
Nang sumagot si Vico na wala naman siyang makita, itinaas ng tindera ang bilaong may sapin-sapin at ipinakita ang isa pang bilao na may biko. Sinabihan din si Vico na “quiet” na lang daw.
@jhayzon88 Nung nasa palengke ako nung kampanya, may lumapit sa kin, pakyawin ko daw biko niya.
Sabi ko, Ate wala ka naman dalang biko, sapin-sapin yan eh!
Yun pala nasa ilalim ng bilao, quiet lang daw.
So hindi ko alam kung bawal talaga o natatakot lang sila. Pero ayun.
— Vico Sotto (@VicoSotto) May 15, 2019
Bago ito, binatikos ni Vic sa isang television interview ang umano’y pagbabawal ng Lungsod ng Pasig sa pagbebenta ng biko.
Mariin naman itong pinabulaanan ng Pasig City Public Information.
Winakasan ni Vico ang halos tatlong dekada pamumuno ng mga Eusebio sa nasabing lungsod.