Limitado lamang sa isang kilo ng asukal ang mabibili ng isang consumer sa mga kilalang supermarket.
Ito ang sinabi ni Executive Secretary Victor Rodriguez matapos na pumayag ang mga kilalang supermarket na ibagsak sa P70 ang presyo kada kilo ng asukal na kanilang ibinebenta.
Paliwanag ni Rodriguez, ginagawa ang paglimita upang maraming consumer ang maka-avail ng P70 per kilo na asukal mula sa dating P90 hanggang P110 kada kilo.
Sinabi ni Rodriguez, babantayan ng Department of Trade and Industry ang participating retailers kung susunod sa napag-usapang 1 kilo kada consumer para maiwasan ang hoarding.
Sisimulang ma-avail ang P70 per kilong asukal sa mga kilalang supermarket sa susunod na linggo.
Facebook Comments