Aprubado at nararapat lamang para kay Presidential Aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na iberipika ang official YouTube accounts ng mga kandidato para sa 2022 elections.
Ayon kay Lacson, mainam ang nabanggit na hakbang ng COMELEC dahil may potensyal ang social media na magbigay ng maling impormasyon sa publiko lalo na’t hindi ito regulated.
Para kay Lacson, mas makabubuti rin kung may katulad na hakbang din na paiiralin sa iba pang social media platforms.
Diin ni Lacson, mainam itong ikasa sa lalong madaling panahon o kaya bago pa man magsimula ang kampanya sa February 2022.
Dagdag pa ni Lacson, mas makakatulong din aniya ito sa mga botante sa pagdedesisyon sa pagpili ng nararapat na lider sa May 9, 2022.
Samantala, nagpasalamat naman sina Lacson at kaniyang katandem sa pagkabise presidente na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mainit na pagsalubong sa kanila ng mga taga-Lingayen, Pangasinan.