Manila, Philippines – Nilinaw ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na walang halong pulitika ang pagbibigay niya ng tulong sa mga out of school youth at mga batang lansangan na papasok sa Special Drug Education Center kung saan itinaon pa sa kanyang kaarawan ngayon.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte naging kinagawian na tuwing siyay mahdiriwang ng kanyang kaarawan ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na kabataan dahil namana na umano nito sa kanyang ama na si dating House Speaker Sonny Belmonte.
Paliwanag ng pangalawang alkalde malaking tulong sa mga out of school youth ang SDEC dahil matututo ang mga batang lansangan na gumamit ng computer bukod pa sa pagbibigay nila ng counselling sa mga kabataang nagsisimula pa lamang gumagamit ng shabu.
Paliwanag ni Belmonte naglaan ng 30 milyong piso amg QC Government upang turuan at gabayan ang mga kabataan na napapariwara at nagsisimula pa lamang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Tiniyak ni Belmonte na mayroon ng nakalaan na trabaho sa mga batang lansangan na magtatapos sa Special Drug Education Center dahil nakikipag-ugnayan na sila sa mga employer na tatanggap sa mga kabataang magtatapos ng naturang pagsasanay.