Nais ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez ang pagbibigay ng insentibo sa mga nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa dine-in at personal care services upang mahikayat pa ang iba na magpabakuna at higit sa lahat buhayin ang ekonomiya.
Aniya, dapat maging pareho ang panuntunan sa loob ng malls o sa pagsakay sa pampublikong transportasyon.
Matatandaan, mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 7 ang National Capital Region at 15 pang lugar sa bansa kung saan pinagbabawal pa rin at dine-in at personal care services.
Facebook Comments