PAGBIBIGAY KAALAMAN UKOL SA RA 9003 SA BAYAN NG BAYAMBANG, PATULOY NA ISINASAGAWA

Patuloy na isinagawa ng ahensyang ESWMO o Ecological Solid Waste Management Office ang pagbibigay impormasyon ukol sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa ibat ibang Barangay sa bayan ng Bayambang.
Ito ay naglalayong maibahagi ang tamang pagsasaayos ng mga basura sa ating komunidad.
Sa katatapos lamang na Barangay Assembly sa Barangay Ligue sa bayan ng Bayambang ay nakapag bigay ang nasabing ahensya sa mga opisyales ng nasabing Barangay na pinangunahan ng opisyal ng ahensyang MENRO o ang Municipal Environment National Resources Office.

Ilang Barangay narin sa nasabing bayan ang nabigyan ng kaalaman ukol sa panukalang RA 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 gaya nalamang Ng Brgy. Amanperez, Tococ East, Sanlibo at sa Barangay ng Bical Sur.
Samantala, sa nasabing Barangay Assembly ay dumalo rin ang ahensya ng PNP na tumalakay sa Peace and Order, BFP na tumalakay sa Fire Safety, ang Municipal Health Office na nagbigay impormasyon ukol naman sa mga health concerns ng mga residente sa Barangay Ligue at ang ahensya naman ng DILG ang tumalakay sa mga concerns naman ng barangay kaugnay sa mga requirements ng ahensya. |ifmnews
Facebook Comments