Pagbibigay kapangyarihan sa Department of Agriculture na magsuspinde ng importasyon ng manok, ipinanawagan

Nanawagan ang grupong United Broilers Raisers Association (UBRA) sa gobyerno na magkaroon ng batas na magbibigay-kapangyarihan sa Department of Agriculture (DA) na magsuspinde ng importasyon ng manok sa Pilipinas.

Ayon sa UBRA, sakaling magkaroon ng problema ang bansa kung saan ang D.A. ang lubos na maaapektuhan, kailangang merong batas na magbibigay-desisyon sa DA na suspindihin ang importasyon.

Una na rin kasi anilang nilinaw ng DA na hindi nila sakop ang pagsuspinde sa importasyon ng manok, kundi ang pagpapatupad lang ng Sanitation at Phyto-Sanitary Protocols.


Ang Metro Manila ang nangungunang merkado ng manok sa Pilipinas habang ang Central Luzon at Calabarzon naman ang top producers.

Facebook Comments