Pagbibigay ng 13th month pay ng maraming negosyo, posibleng ma-delay – ECOP

Hirap ang karamihan ng mga negosyo ngayon na ibigay ang 13th month pay ng mga empleyado.

Ito ang inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa gitna ng patuloy na nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic at mga ipinatutupad na lockdown.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., hindi pa kasi tuluyang nakakababangon ang mga negosyo at malabo naman na mag-avail sila ng mga loan para sa pagbibigay ng 13th month pay.


Una nang tumutol ECO angP sa mga pagpapatupad ng lockdown pero wala aniya silang magagawa kundi sumunod sa pamahalaan sakaling palawigin pa ang umiiral ngayon na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Facebook Comments