Pinabibigyan ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo ng 14th month pay ang lahat ng mga empleyado sa gobyerno man o sa pribadong sektor, at anuman ang kanilang employment status.
Nakapaloob ito sa inihain niyang House Bill 520 o panukalang “14th Month Pay Law” na katumbas ng total basic monthly salary na target maibigay tuwing o bago sumapit ang Nov. 30 ng bawat taon na sakto sa panahon ng Kapaskuhan.
Diin ni Salo, hindi sapat ang 13th month pay na tinatanggap ng mga manggagawa dahil maraming pamilya ang nananatiling kapos dahil sa maliit na sweldo.
Katwiran ni Salo, mataas ang “cost of living” sa ating bansa, kaya marapat aniyang tugunan ng estado ang mga suliranin ng mga manggagawa sa pamahalaan at sa pribadong sektor.
Layunin din ng panukala ni Salo na ma-incentivize at ma-motivate ang lahat ng mga empleyado para lalo pa silang magsipag sa trabaho at maging mas produktibo.