Pagbibigay ng 1st dose ng COVID-19 vaccines sa Parañaque, itutuloy ngayong araw

Inihayag ngayon ng Parañaque City Public Information Office na itutuloy na ang pagbibigay ng bakuna matapos na pansamantala itinigil kahapon ang pagbibigay sa mga vaccination sites na naka schedule para sa kanilang 1st dose.

Ayon sa Public Information Office Chief Mar Jimenez, nakatuon sila sa pagbibigay ng 2nd dose dahil sa pagtaas umano ng demand ng magpabakuna kung kaya’t naghintay pa sila ng karagdagang alokasyon ng COVID-19 vaccine mula sa national government kaya’t pansamantalang muna nilang itinigil kahapon ang pagbabakuna.

Paliwanag ni Jimenez, mula sa 2,000 target kada araw ang mabakunahan sa mga vaccination site sa lungsod kung saan nalagpasan umano nila ito dahil sa umabot na sa tatlong libo kada araw ang bakunahan.


Dagdag pa ng opisyal na sa ngayon ay umabot na sa 200,000 indibidwal ang nabakunahan na sa lungsod kung saan target nilang mabakunahan ay inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre sa kasalukuyang taon.

Facebook Comments