Inaprubahan sa nangyaring sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang pagbibigay ng 2, 000 na financial assistance sa mga barangay frontliners, noong lunes, ika- 9 ng Disyembre.
Nakapaloob sa panukala ang pagtanggap nito ng mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Service Point Officers at Child Development Workers sa buong probinsya ng Pangasinan.
Ang pagkukuhanan ng pondo nito ay sa Supplemental budget No. 6. Series of 2024.
Ibinahagi ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino sa Ifm News Dagupan na inaayos na ang schedule upang masimulan ang pamamahagi ng financial assistance ngayong ngayong buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments