Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtuturok ng 2nd booster shot ng COVID-19 vaccine sa mga edad 18-anyos pataas.
Ito’y dahil sa hihintayin muna nila mula sa Department of Health (DOH) ilang guidelines para sa pagtuturok nito.
Matatandaan na nag-anunsiyo ang Manila Local Government Unit (LGU) na nakatakda na silang magbigay mg 2nd booster na pangungunahan sana ng Manila Health Department (MHD).
Pero dahil sa anunsyo ng DOH, hindi na muna sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pagtuturok ng 2nd booster saka inabisuhan ang mga residente maghintay na lang muna.
Magkaganoon pa man, muling igniit ng Manila LGU na 100% na silang handa sakaling magkaroon na ng “go signal” sa pagtuturok ng 2nd booster kung saan gagawin ito sa 44 na health centers sa lungsod.
Ang mga sasalang naman sa 2nd booster shot kontra COVID-19 ay pinapayuhan na dalhin ang mga vaccination card o IDs upang maging maayos ang proseso ng pagbabakuna habang ang iba na hindi residente ng lungsod pero nais magpaturok ay pinapayuhan na magparehistro muna sa manilacovid19vaccine.ph.