Mas mababa ng 78 percent ang tyansa ng pagkasawi ng mga senior citizens na nabigyan ng 4th dose o second booster ng Pfizer–BioNTech COVID-19 vaccine kumpara sa mga nakatanggap lamang ng 3rd dose.
Ayon kay Ronen Arbel, Health Outcomes Researcher ng Clalit and Sapir College sa Israel, ito ang lumabas sa 40 araw na pag-aaral sa higit kalahating milyong indibidwal na may edad 60 hanggang 100.
Anila, 58 porsiyento ng mga kalahok ay nakatanggap ng second booster habang ang natitirang bilang ay nakatanggap lamang ng isang booster.
Naitala ng mga mananaliksik ang 92 pagkamatay sa unang grupo at 232 pagkamatay sa pangalawa na mas maliit na grupo.
Hindi naman kasama sa isinagawang pag-aaral ang mga indibidwal na nakatanggap ng Moderna vaccine at oral anti-COVID therapy.