Pagbibigay ng 2nd booster shot sa ilang piling populasyon, posibleng maaprubahan

Hindi imposibleng maaprubahan na rin sa bansa ang pabibigay ng ikalawang booster shot sa mga piling indibidwal.

Pahayag ito ni National Task Force (NTF) Medical Adviser Dr. Ted Herbosa makaraang payagan na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng second booster shot ng Moderna COVID-19 vaccines sa kanilang mamamayan na 50 years old pataas.

Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Dr. Herbosa, noong nakaraan buwan pa inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang pagbibigay ng ikalawang booster shot para sa senior citizens at immunocompromised individuals.


Ani Herbosa, ngayong aprubado na ng US-FDA ang pagbibigay ng ikalawang booster shot ng Moderna, posibleng maging daan na rin ito upang mapadali ang pag-apruba dito ng pamahalaan.

Facebook Comments