Patuloy pa rin ang ginagawang pag-aaral ng mga eksperto hinggil sa posibilidad na pagbibigay ng 4th dose.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Ted Herbosa, Medical Adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na may rekumendasyon na ang ating Vaccine Expert Panel hinggil sa pagbibigay ng 4th dose ng COVID-19 vaccine.
Base sa rekumendasyon, unang bibigyan ng 2nd booster dose ay ang mga senior citizens at immunocompromised individuals.
Sa ngayon ani Herbosa, ipinasa na ang nasabing rekumendasyon sa technical advisory group at all experts upang mapag-aralan at hihintayin din kung ito ay aaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa ngayon, tanging rekumendado ang pagkakaroon ng booster shot o 3rd dose ng mga edad 18 taong gulang pataas.
Base sa pinaka huling datos ng Department of Health (DOH) nasa halos 11-M na ang nakatanggap na ng booster shot.