Pagbibigay ng amnestiya sa ilang rebeldeng grupo, suportado ng DOJ

Sinuportahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaloob ng amnestiya sa ilang rebeldeng grupo kabilang ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).

Ayon sa DOJ, dapat mangibabaw palagi ang rule of law at ang pangangailangan ng mga ganitong hakbang upang mapaunlad ang kapayapaan at national reconciliation.

Handa ang kagawaran na makipagtulungan sa National Amnesty Commission para maproseso ang mga applications para sa amnesty.


Gayunpaman, hindi sakop ng proklamasyon ang mga may kasong kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism at iba pang paglabag sa human rights.

Naniniwala ang DOJ na ang pagkakaloob ng amnesty sa mga rebelde ang magbibigay daan sa bagong panahon ng peace and reconciliation sa bansa.

Facebook Comments