Pagbibigay ng amnestiya sa undocumented Filipinos sa Israel, inaayos na ng Philippine Embassy

Pinulong ni Philippine Ambassador to Israel Pedro “Junie” Laylo Jr. Filipino Community leaders sa Haifa, Israel.

Kabilang sa tinalakay sa pulong ang pagbibigay ng amnestiya at trabaho sa undocumented Filipinos doon.

Pinag-usapan din ang pagbibigay ng financial at post-program assistance para sa mga Pilipinong agro-studies trainees sa Israel.


Tinalakay din ang mga hakbang at tugon sa mga isyung idinulog ng mga Fil-Com leaders, tulad ng problema sa kontrata, benefits, repatriation, at financial literacy.

Pinaalalahanan naman ni Ambassador Laylo ang mga Pilipino sa Haifa na patuloy na mag-ingat at mapagmatyag sa gitna ng patuloy na labanan ng Israel-Hamas, bukod pa sa banta sa northern border ng Israel.

Facebook Comments