Una rito, inirekomenda ng mga kasapi ng RTF-ELCAC Cagayan Valley na mabigyan ng amnestiya ang naturang bilang ng mga dating rebelde bilang mahalagang bahagi ng Executive Order No. 70 na tuluyang mawakasan ang laban sa insurhensiya. Ang pag-endorso ay angkop na ipinagkatiwala sa National Amnesty Commission sa pamamagitan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na nakatalagang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) sa rehiyon dos.
Sa isang interview, sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba, ang Chairperson ng RTF-ELCAC, ang former rebels ay karapat-dapat lamang na mabigyan ng amnestiya bilang bahagi ng programa ng gobyerno sa pagkamit ng inclusive peace and development.
“𝑺𝒖𝒏𝒐𝒅-𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒖𝒌𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒊𝒚𝒆𝒎𝒃𝒓𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒍𝒊𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒑𝒐. 𝑲𝒂𝒑𝒂𝒍𝒊𝒕 𝒏𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚. 𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒅𝒊𝒕𝒐, 𝒏𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒃𝒂𝒘𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒆𝒓𝒐𝒓𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒘𝒂𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝑪𝑻𝑮 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒊𝒕𝒖𝒕𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒖𝒎𝒑𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Inihayag naman ni MGen. Laurence Mina, ang Commander ng 5ID, ang pagbibigay ng amnestiya sa dating mga rebelde ay makakatulong na mahikayat ang ibang miyembro ng komunistang grupo na sumuko sa pamahalaan.
Ayon pa sa heneral, malaking kapakinabangan ito sa pagtataguyod ng maayos na sitwasyon sa harap ng panawagan ng pamahalaan para sa kapayapaan, pagkakaisa at pagkakasundo upang isara ang mga sitwasyon na humahadlang sa pagbibigay ng pangmatagalang kapayapaan para sa mamamayan.
“𝑺𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒓𝒊𝒎𝒆𝒏, 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒅𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒃𝒆𝒍𝒅𝒆 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒈-𝒂𝒎𝒃𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒎𝒑𝒂𝒏𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒈𝒐𝒃𝒚𝒆𝒓𝒏𝒐 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒔𝒖𝒓𝒉𝒆𝒏𝒔𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒈𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐𝒔-𝒑𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒏𝒅𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒚𝒂𝒑𝒂𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒓𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒖𝒍𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒕𝒂𝒔.” 𝒅𝒂𝒈𝒅𝒂𝒈 𝒏𝒊𝒚𝒂.
Ibinahagi rin ang ilang mga nagawang krimen ng dating mga rebelde gaya ng pagpatay, pagnanakaw at paggawa ng mga kagamitang pandigma noong bahagi pa ng komunistang grupo ang mga ito.
Giit ng heneral, ang isang indibidwal ay karapat-dapat na mabigyan ng pagkakataon na itama ang mga maling nagawa mula sa nakaraan.
Biktima lamang aniya ang mga ito ng ideolohiya at panlilinlang ng mga komunista at bilang tulong ay patuloy ang kanilang pagbibigay ng kasiguraduhan na wakasan ang armadong pakikibaka ng kasalukuyang miyembro ng rebeldeng grupo para makamit ang tunay na kapayapaan at tagumpay ng komunidad.