Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Pasay na tuloy-tuloy ang pagbabakuna kontra COVID-19 maging ang pamamahagi ng cash ayuda kahit pa masama ang panahon dulot ng Bagyong Jolina.
Pero nilinaw ni Mayor Emi Calixto Rubiano na ang mga hindi makakapunta sa vaccination center at sa aid distribution venues dahil sa baha o anumang problemang dahil ng sama ng panahon ay maaari namang bumalik na lang ng Biyernes, September 10.
Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos ang pagsailalim sa Metro Manila sa Typhoon Signal No. 2.
Sinabi ni Mayor Emi na bagama’t malakas pa rin ang buhos ng ulan ay alam niyang marami ang kailangang makapagpabakuna at makakuha ng ayuda kaya’t tutugunan ito ng lokal na pamahalaan.
Facebook Comments