PAGBIBIGAY NG AYUDA SA MGA BOTANTE NG SAN QUINTIN, PINABULAANAN NG LGU

Walang katotohanan na kasalukuyang namimigay umano ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng San Quintin sa mga botante.

Sa pahayag ng LGU sa kanilang opisyal na page, fake news umano ito at walang basehan dahil tanging sa opisyal na social media account lamang ng tanggapan at alkalde nagmumula ang mga anunsyo.

Pinaniniwalaan naman ng ilang residente na propaganda umano ang naturang iskema at ginagamit pa ang lokal na pamahalaan ngunit mas nanaisin umanong makatanggap na ng ayuda sa halip na magamit pa sa nalalapit na eleksyon.

Panawagan naman ng lokal na pamahalaan na maging mapanuri sa mga kumakalat na mensahe lalo na kung may kinalaman sa pera upang maiwasang mabiktima ng fake news. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments