Pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhang pamilya dahil sa COVID-19, aprubado ng IATF

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang Joint Memorandum Circular ukol sa Social Amelioration Program ng pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng Coronavirus Disease-2019 (COVID-19)

Sa ilalim ng nasabing programa, makakatanggap ang nasa 18 milyong pamilyang Pilipino ng tulong pinansyal Mula ₱5,000 hanggang ₱8,000 kada pamilya sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, hihingin ng ahensya ang listahan ng bawat pamilya sa mga barangay captains.


Nabatid na parte pa rin ito ng programa ng pamahalaan na “Bayanihan to Heal as One Act” sa gitna ng banta ng COVID-19.

Nanawagan naman si Malaya sa mga Local Government Units (LGUs) na wala na sanang politikang iiral para maging maayos ang distribyusyon ng mga tulong.

Facebook Comments