Cauayan City, Isabela – Patuloy na isinusulong ng City Health Office1 ang kanilang aktibidad kaugnay sa pagbibigay ng mga bakuna sa mga batang bagong ipinanganak hanggang sa mga may edad na limang taon.
Ito ang ibinahaging impormasyonni Ms. Nareta Maximo, ang Chief Nurse ng CHO1 ng Cauayan City sa naging panayam ng RMN Cauayan.
Aniya, tinatayang aabot sa mahigit tatlong libong mga bata ang maaring mabigyan pa ng bakuna partikular ang para sa tigdas at polyo.
Sinabi pa ni Chief Nurse Maximo na ang aktibidad ng CHO1 ngayong buwan ay kaugnay sa malawakang pagbibigay umano ng bakuna sa buwang ito na inumpisahan pa noong ika walo ng Oktubre kung saan ay naging maganda naman umano ang naging tugon ng mga magulang.
Iginiit pa ni Maximo na mas maganda umano ang pagtanggap ng mga magulang sa ganitong aktibidad ng CHO sa ngayon kumpara sa kanilang School Based Immunization Program dahil sa takot ng mga magulang sa naging isyu ng dengvaxia.
Sa ngayon ay hinihikayat pa ng CHO1 ang mga magulang na nakiusap sa kanilang mga aktibidad at huwag matakot dahil para naman umano ito sa kalusugan ng mga bata.