Pinag-uusapan na ng all expert group ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng booster shot kontra COVID-19 sa mga highly vulnerable population.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na mabigyan ng 3rd dose sa mga taong hindi nakapag-develop ng immunity mula sa virus kahit fully vaccinated na.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, kabilang sa mga maaaring mabigyan ng booster shot ang mga healthcare workers at mga senior citizen na posibleng maging delikado ang kondisyon sakaling mahawaan ng virus.
Gayunman, ibibigay lang aniya ang booster shot kapag naabot na ang target na populasyon na mabakunahan at sapat na ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Facebook Comments