Pagbibigay ng booster shot sa lahat ng kabataang edad 12-17, magsisimula na sa weekend

Sisimulan na sa Biyernes o sa Sabado ang pagbibigay ng booster shot para sa lahat ng kabataang edad 12 hanggang 17.

Ito ay matapos aprubahan na rin ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang guidelines sa pagbibigay ng booster shot sa nasabing age group.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Usec. Myrna Cabotaje, magkaiba ang interval para sa booster shot ng mga kabataang immunocompromised na 20 araw lamang kapag naturukan ng second primary dose.


Ang malulusog na kabataan naman aniya ay may interval na limang buwan pagkatapos maturukan ng ikalawang primary dose bago bigyan ng booster shot.

Sinabi naman ni Cabotaje na Pfizer vaccine lang ang maaaring ibigay na booster shot sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 dahil ito pa lamang ang may Emergency Use Authorization (EUA) na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments