Pagbibigay ng booster shot sa mga bata, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang posibleng pagbibigay sa mga bata ng booster shots kontra COVID-19.

Ayon kay VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, mayroon ng silang rekomendasyon hinggil dito lalo na sa mga mataas ang exposure at vulnerable sa COVID-19.

“May rekomendasyon na po specifically sa elderly, immunocompromised, yung mataas ang exposure at vulnerable sa COVID-19 kasi nag-open tayo. Hindi po muna yung mga general population pero meron din pong tinitignan din naman po yan, at baka kailangan din ng booster sa mga bata, tinitignan po, ongoing po lahat ‘yan sa ngayon,” ani Gloriani


Nauna nang sinabi ng VEP noong Pebrero 24 na hindi pa inirerekomenda ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shots sa mga edad 12 hanggang 17 dahil wala pang mga pag-aaral na nagpapatunay na nawawala ang kanilang immunity matapos na makatanggap ng primary series.

Habang nagbabala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion hinggil sa posibleng pagkasayang ng nasa 27 million COVID-19 vaccine sa Hulyo.

Facebook Comments