Pagbibigay ng booster shot sa mga edad 5 hanggang 17, matatagalan pa ayon sa VEP

Posibleng matagalan pa bago mabigyan ng booster shot ang mga batang edad 5 hanggang 17.

Ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) Chairperson Dr. Niña Gloriani, base sa kanilang datos mas maganda ang immune response ng mga kabataan kaya maaaring matagalan pa ang pagbibigay ng booster shot sa nasabing age group.

Aniya, pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto ang pagbibigay ng booster shot lalo na sa mga bata na mayroong sakit.


Sinabi pa ni Gloriani na dahil maganda ang immunity ng kabataan, inaasahan na mas tatagal ito kumpara sa immunity ng mga nakatatanda.

Facebook Comments