Pagbibigay ng booster shot, sinisilip ng DOH sakaling maabot na ang 50% target population ng bansa

Posibleng pag-usapan ang pagbibigay ng booster shot kapag naabot na ang 50% ng mga nabakunahan sa populasyon sa bansa.

Ayon kay Department of Health Spokeperson Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangan muna nilang tignan ang stability ng supply ng bakuna sa bansa at kapag naabot na ang 50% vaccination ay maaari nang pag-usapan ang booster shot.

Partikular na nais bigyan ng booster shot ay ang nasa vulnerable sector, health workers at may mga immunocompromised.


Una nang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na magtutuloy-tuloy na ang dating ng mga bakuna sa bansa kung saan simula sa Oktubre ay tataas na ang mga supply.

Facebook Comments