Pagbibigay ng booster shots, dapat iprayoridad na ng mga rehiyon na mataas ang COVID-19 vaccination

Iminungkahi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na tutukan na ang pagbibigay ng booster shots ng mga rehiyon na mataas ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19.

Sa Talk to the People kagabi ng Pangulo, sinabi ni Galvez na nasa 12 na mula sa 17 rehiyon sa bansa ang mataas ang vaccine coverage.

Sa kabila nito, ang nalalabing 5 rehiyon aniya ay dapat pa ring iprayoridad ang pagbibigay ng primary doses ng COVID-19 vaccines.


Ang mga rehiyon na tinukoy ni Galvez na mabagal ang bakunahan ay ang Bicol Region, CARAGA, MIMAROPA, SOCCSKSARGEN at BARMM.

Facebook Comments