Inaasahang masisimulan na sa susunod na taon ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa general public o mga ordinaryong mamamayan.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP), prayoridad sa ngayon ang pagbibigay ng booster shot sa mga healthcare worker na susundan ng mga senior citizen at mga may comorbidity.
Aniya, inuuna ang mga nasa A1, A2 at A3 priority group dahil mas mataas ang risk ng mga ito na tamaan ng COVID-19 kumpara sa general public.
Iginiit naman ni Solante na hindi gaya sa mga healthcare worker, maaaring hindi payagan ang mga ordinaryong mamamayan na pumili ng brand ng bakuna para sa kanilang booster shot.
Facebook Comments