Umarangkada na ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa mga senior citizen at may comorbidity.
Pero paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lahat ng nasa A3 ay mababakunahan ng booster dose.
Aniya, uunahin nila ang mga immunocompromised individuals kabilang ang mga may HIV, active cancer o malignancy, transplant patients at mga sumasailalim sa immunosuppressive treatments.
Sa kabilang dako, iginiit ni National Commission of Senior Citizen (NCSC) Chairman Atty. Franklin Quijano na dapat pa ring unahing maturukan ang mga nakakatanda at may mga sakit na wala pa ni isang dose ng bakuna.
Umapela rin siya sa gobyerno na tutukan ang mga lugar na may mahinang vaccine rollout.
Sa ngayon, 67% na ng mga senior citizen sa buong bansa ang nakatanggap ng first dose habang 61% na ang fully vaccinated.
Halos lahat naman ng may comorbidities ang naturukan na ng unang dose habang 80% ang nakakumpleto na ng bakuna.