Pinabibigyan ng ilang kongresista ng P1,000 kada buwan ang mga senior citizen sa buong bansa na pantustos sa kanilang pangangailangang-medikal.
Nakapaloob ito sa House Bill 9569 na inihain nina ACT-CIS Party-list Reps. Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo at Edvic Yap., Quezon City Rep Ralph Tulfo, at Bengue Rep. Eric Yap.
Umaasa ang nabanggit na mga mambabatas na makakatulong ang buwanang P1,000 para mapagbuti ang kalidad ng buhay ng mga nakatatanda, mabawasan ang kanilang problemang-pinansyal, at mas magiging accessible sa kanila ang kinakailangang gamot.
Base sa huling survey ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2020, ay umaabot na sa 9.2 million ang mga senior citizens sa Pilipinas.
Facebook Comments