
Isinusulong ngayon sa Kamara na mabigyan ng P3,000 na buwanang pensyon at iba pang benepisyo ang mga nakatatanda, may kapansanan, at mahihirap na magsasaka na hindi saklaw ng kasalukuyang mga “retirement system.”
Nakapaloob ito sa House Bill 7663 o Comprehensive Farmers’ Pension and Social Protection Bill na inihain ng ilang mga kongresista sa pangunguna ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Iniuutos ng panukala ang pagpapatupad ng Farmers’ Pension Program ng Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) at Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC).
Kwalipikado sa programa ang mga magsasaka na mahigit 60-taong gulang at hindi tumatanggap ng pension mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), at iba pang pribadong retirement system.
Batay sa panukala, bubuo ang DA at iba pang kaukulang ahensya ng national database ng mga elderly, indigent and disabled farmers.
Nakapalobo rin sa panukala ang basic life insurance na P50,000, at accident and disability assistance na P25,000 per claim.










