Pagbibigay ng calamity pay sa mga manggagawa sa panahon ng kalamidad, isinulong sa Kamara

Isinulong ni TRABAHO Party-list Rep. Johanne Bautista na mabigyan ng calamity pay ang mga manggagawa sa panahon ng mga kalamidad tulad ng lindol, pagsabog ng bulkan, bagyo, baha, landslide, at iba pang sakuna.

Nakapaloob sa inihaing House Bill No. 4435 ni Bautista na ang calamity pay ay katumbas ng 30% ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.

Ang panukala ni Bautista ay pagpapakita ng malasakit at pagkilala sa panahong ibinubuhos ng mga manggagawa sa kanilang trabaho kahit malagay sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan.

Ayon kay Bautista, malaking tulong ang calamity pay para sa mga manggagawa at sa kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments