Quezon City – Inaalam na ng Quezon City LGU kung paano mabibigyan ng capital assistance ang mga kwalipikadong street dwellers na na-rescue ng Quezon City Social Services Development Department (QCSSDD) katuwang ang mga barangay ng South Triangle at Pinyahan ang mga batang palaboy-laboy sa kalsada.
Naiturn-over na ang mga batang residente ng lungsod sa mga kalapit na barangay, habang ang mga batang taga-ibang lungsod ay dinala sa QCPD station 10 para dumaan sa proseso ng DSWD at ng QCSSDD.
Dinala sa center ang mga menor de edad na walang magulang at hindi residente ng Quezon City habang ang mga residente ng lungsod ay dadalhin sa Rehabilitation and Action Center For Minors.
Pinapirma rin ang mga ito sa kasunduan na hindi na muling babalik sa kalye at hahayaan ang kanilang anak na lumaboy sa kalsada dahil mahigpit itong ipinagbabawal.