Pagbibigay ng cash assistance sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, ipinatigil mula

Pansamantala munang ipinatigil ang pagbibigay ng cash assistance para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, dahil ito sa kakulangan ng pondo na resulta ng pagkabinbin ng panukalang Bayanihan 3 kung saan kabilang ang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.

Umaasa naman si Cacdac na sa susunod na AKAP program, magkakaroon na sila ng P1.8 billion alokasyon.


Sa ngayon, nasa P5.2 billion pa lamang ang naipalabas sa ilalim ng AKAP para sa 520,000 OFWs na benepisyaryo nito.

Ang AKAP ay isang one-time emergency cash aid program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng $200 o P10,000 sa mga OFWs naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments