Pagbibigay ng cash gift sa mga senior citizen na 80, 85, 90, at 95 taong gulang, malapit nang maisabatas

Kaunti na lamang at maisasabatas na ang panukala na naglalayong bigyan ng cash gift ang mga senior citizens na edad 80, 85, 90 at 95 anyos.

Ito’y matapos maratipikahan ng Senado ang bicam committee report ng Senate Bill 2028 at House Bill 7535.

Sa inaprubahang bicam report ay inaamyendahan dito ang kasalukuyang Centenarians Act.


Kapag naging ganap na batas, hindi lang mga 100 taong gulang ang makakatanggap ng cash gift at liham ng pagbati mula sa pangulo.

Sa panukala ay pagkakalooban na rin ng cash gift ang mga lolo at lola na aabot ng 80, 85, 90, at 95 years old at ‘letter of felicitation’ mula sa presidente para sa kanilang mahabang buhay.

Ipapadala na ang panukala sa Malacañang para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang tuluyang maging batas.

Facebook Comments